Handang-handa na ang Department of Education (DepEd) para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 1.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, mararanasan pa rin ang siksikan sa mga silid-aralan lalo na sa mga lugar na malaki ang populasyon.
Pero, tiniyak ni Luistro na wala nang magkaklase sa ilalim ng mga punong kahoy.
Sa taya ng DepEd, papalo sa 23 milyong estudyante ang papasok ngayong taon.
By Ralph Obina