All set na ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Ayon kay Education spokesperson Atty. Michael Poa, nakahanda na ang kanilang mga safety features para matiyak na nasusunod ng mga paaralan ang ipinatutupad na minimum health protocols.
Dito ire-require ang mga paaralan na magkaroon ng stock ng face mask para ipamahagi sa mga mag-aaral o iba pang nangangailangan nito.
Sa huling datos ng DepEd, 19% pa lamang ng mga mag-aaral sa bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.
Bilang solusyon, sinabi ng DOH na aabot sa 3, 131 vaccination sites na ipatatayo nila sa mga paaralan.
Pero paliwanag ni Poa, magkakaroon muna ng counselling sa mga magulang ng mag-aaral para malaman kung sino ang nais magpabakuna.