Tatanggapin pa rin ng Department of Education(DepEd) ang mga late enrollee.
Kasunod na rin ito nang opisyal na pagtatapos ng enrollment kahapon kasabay nang pagbubukas ng klase para sa school year 2022-2023.
Ayon kay Atty Michael Poa, spokesman ng Dep Ed, ipinag utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa lahat ng public schools na tanggapin pa rin ang mga estudyanteng late nang pinagenrol ng kanilang mga magulang.
Binigyang diin ni Poa na hindi dapat ipagkait amg edukasyon sa mga batang Pilipino dahil late lamang sila nakapag enrol.
Hanggang kahapon, nasa 28, 035, 042 na ang pumasok sa eskuwelahan mula kindergarten hanggang senior high school.