Hindi na dapat alalahanin ng mga guro ang kanilang loan payments habang nagpapatuloy ang lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito, ayon sa Department of Education (DepEd), ay dahil nakipagkasundo na ito sa mga public o private lenders para sa pagpapalawig ng pagbabayad ng loan ng mga titser.
Sa isang virtual presser, ipinaliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na kung ang loan ay naka-encode naman sa kanilang database o salary payroll database ay sila na mismo ang mag-e-extend ng loan term nito.