Hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na mag-lobby sa IATF para hilingin na makasama ang mga guro sa priority list na mapabakunahan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education , sinabi ni Gatchalian na kailangang maging maagap ang DepEd bilang paghahanda na rin sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang bahagi ng bansa sa darating na Agosto.
Ayon sa senador, bago humarap ang mga guro sa klase, mahalagang nabigyan na ang mga ito ng bakuna.
Kasabay nito, hinimok din ni Gatchalian ang DepEd na bumuo ng sariling panel of experts na tutukoy sa sitwasyon ng sektor ng edukasyon gaya ng pagsasagawa ng face-to-face classes sa ilang lugar.
Sa ngayon kasi aniya, masyadong naka depende ang deped sa mga desisyon ng IATF. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)