Hinimok ng Department of Education o DEPED ang mga mag-aaral na magparehistro para sa susunod na eleksyon.
Ito ay ayon kay Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, malaking tulong ang pagpapaalala sa mga mag-aaral ng tamang pagpili ng lider ng bansa.
Dagdag ni San Antonio, patuloy pa rin ang kanilang pagbabahagi ng mga kaalaman at impormasyon sa mga mag-aaral upang masiguro na lahat tayo ay magiging makabansa, makakalikasan, makatao at makaDiyos.
Aniya, nais ng kagawaran na pahalagahan ng kabataan ang mga core values na tutulong ssa ating bansa upang maging masagana.
Samantala, sinabi ng Commission on Election o COMELEC na maaaring magparehistro ang mga bagong botante hanggang a trenta ng Setyembre habang ang mga 18 taong gulang, residente ng Pilipinas bago sumapit ang araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo sa susunod na taon.— sa panulat ni Rashid Locsin