Hinihikayat ng Department of Education (DEPED) ang mga mag-aaral na mag-register sa kanilang inilunsad na website na DEPED learning resource portal.
Ang naturang website ay nag-aalok ng learning, teaching at professional development resources para sa mga estudyante at maging sa mga guro.
Malaki anila ang maitutulong ng portal na ito para magkaroon ng mas madaling access ang mga estudyante at guro sa learning at teaching materials na magagamit sa umiiral ngayon na distance education.
Layon umano nito na mapaunlad ang mga mag-aaral at guro sa ilalim ng iba’t ibang learning delivery modality.