Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga lokal na pamahalaan na iwasan magsuspinde ng mga klase kung hindi kinakailangan para ma-maximize ang learning recovery.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, dapat lamang magsuspinde ng mga klase sa panahon ng public emergencies at kalamidad.
Hindi rin aniya dapat gamitin ang mga paaralan bilang venue ng mga kaganapang walang kaugnayan sa curriculum.
Iginiit pa ni poa na maiiwan ang make-up classes kung maiiwasan ang naturang suspensyon ng mga klase.