Hinimok ng Department of Education (DEPED) ang mga estudyante sa isang paaralan sa Bacoor City, Cavite na humarap at magsampa ng mga reklamo kung nakaranas sila ng sexual harassment sa kanilang mga guro.
Ayon kay Education Spokesperson Michael Poa, iniimbestigahan na ng DEPED School Division Office (SDO) sa Bacoor City ang pitong guro mula sa highschool kasunod nang nag-viral na social media post ng umano’y sexual advances sa mga mag-aaral.
Pero, ang problema aniya’y walang masyadong complainants na nagpa-file ng kanilang affidavits kaya’t hinihikayat niya ang mga ito na lumabas.
Nakatakda namang magsumite ang SDO-Bacoor ng fact-finding report sa regional office sa Calabarzon.