Hinimok ng Department of Education o DepEd ang publiko na makiisa sa Brigada Eskwela na magsisimula na sa Lunes, Mayo 15.
Ayon sa DepEd , layon nito na maihanda ang mga paaralan para sa pasukan sa Hunyo.
Ang national kick off ceremony ng Brigada Eskwela ay gaganapin sa Cebu City na may temang “Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan Para Sa Handa at Ligtas na Paaralan”.
Kasabay nito ay maglulunsad din ang DepEd ng caravan sa darating na Lunes sa regional at school division offices nito kaugnay ng Brigada Eskwela.
By Ralph Obina
DepEd hinimok ang publiko na makiisa sa Brigada Eskwela sa Lunes was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882