Kinilala ang Department of (DepEd) bilang “most trusted government office” sa 2021 Philippine Trust Index (PTI).
Ang nasabing parangal ay naging posible dahil sa ipinakitang pagsisikap ng mga education frontliners sa basic education learning para sa mga estudyante.
Nakakuha ang DepEd ng 91% trust rating mula sa publiko sa isinagawang survey.
Samantala, nakakuha naman ang ahensya ng pagibig ng 89%, Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 88% na sinundan ng government service insurance system at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na parehong nakakuha ng 87%.