Iginiit ni Department of Education Secretary Leonor Briones na sapat ang sahod na natatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Pahayag ito ng kalihim sa harap ng mga panawagan ng ilang grupo ng mga guro na itaas ang kanilang buwanang sahod.
Giit ni Briones, bukod sa sweldo ay nakatatanggap din ang mga guro ng bonuses, allowances, cash gifts at incentives.
Kung ikukumpara aniya ito sa iba pang propresyon sa bansa ay di hamak na mas nakakaanggat ang mga public school teachers dahil sa ‘extra benefits’ na nakukuha ng mga ito.
Matatandaang nag–ugat ang mga kilos protesta at panawagan ng ilang guro makaraang ipahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi pa nila prayoridad sa ngayon ang pagtataas sa sahod ng mga ito.