Inaasahan na ng Department of Education ang magiging resulta ng vaccine campaign ng pamahalaan para sa face-to-face classes sa susunod na election.
Kumpiyansa si Education Secretary Leonor Briones, na mas mapapalawak pa ang limited face-to-face classes dahil sa dami ng mga Pilipinong nagpabakuna bago matapos ang taon.
Nabatid na umabot na sa mahigit 44M ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpaturok sa ikinasang vaccination program ng pamahalaan na “Bayanihan, Bakunahan.”
Ayon kay Briones nakasalalay sa resulta ng mga fully vaccinated ang muling pagbubukas ng mga pisikal na klase sa buong bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero