Inihayag ng Department of Education (DEPED) na papayagan lamang lumahok sa face to face classes ang mga estudyante na nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay DEPED Undersecretary Nepomuceno Malaluan, na kasama ito sa expanded phase agreement sa Department of Health (DOH) sa pagpapalawak ng face to face classes.
Dadag pa ni Malaluan, na may “shared responsibility” framework na kinabibilangan ng pag-sang-ayon ng mga Local Government Units (LGUs) at mga permit na nagmumula sa mga magulang na nagpapahintulot sa kanilang mga anak na makilahok.
Samantala, sinabi ni Malaluan, na malugod na tinatanggap ng deped ang nakatakdang pagbabakuna sa mga menor de edad na 5 hanggang 11 taong gulang simula Pebrero 4.
Patuloy na hinihikayat ng deped ang mga magulang na lumahok sa pagbabakuna sa mga batang may edad12 hanggang 17 na nagsimula noong nakaraang taon. —sa panulat ni Kim Gomez