Inihayag ni Department of Education (DEPED) Undersecretary Revsee Escobedo na maglalabas ang ahensya ng advisory upang maprotektahan ang mga field personnel nito laban sa iba’t-ibang uri ng online fraud.
Ayon kay Escobedo, ito’y para gabayan ang mga guro kung ano ang phishing scam at kung paano ito maiiwasan.
Matatandaang, na-hack ang mga bank account ng ilang public school teachers dahil sa hindi otorisadong transaksyon sa kanilang account sa ilalim ng Landbank of the Philippines (LBP).
Samantala, sinabi ni Escobedo, na patuloy nakikipag-ugnayan ang deped sa LBP para maresolba ang isyu sa lalong madaling panahon. —sa panulat ni Kim Gomez