Inihayag ng Department of Education (DepED) na tatalima sila sa inilabas na Presidential Executive Order Number 7, na ginagawang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa indoor setting sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni DepED Spokesperson Atty. Michael Poa kung saan nakatakda silang maglabas ng Amendatory Department Order kaugnay sa EO na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sa naunang DepED Order Number 39, series of 2022, boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa open spaces o non-crowded areas sa mga paaralan, ngunit inoobliga ito sa loob ng silid-aralan, laboratory at iba pang enclosed facilities.
Samantala, ani Poa nakasalalay sa regional directors ang pagbibigay ng exemptions sa mga paaralan na hindi pa handa sa full face-to-face classes simula bukas, November 2.