Ipinagdiriwang ng Department of Education (DepEd) ang ika-124 na anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang kagawaran.
Kaugnay nito, naghanda ang DepEd ng isang week-long celebration na inumpisahan kaninang umaga, kung saan matapos ang flag raising ceremony ay idinaos ang isang thanksgiving mass.
Pangungunahan naman ni Education Secretary Leonor Briones ang legacy talks na isasagawa sa Huwebes, Hunyo 23, kasabay nang ilan pang aktibidad tulad ng national parade, cultural dance at banner presentations.
“Pamana: Kahusayan at tagumpay ng edukasyon,” ang tema ng selebrasyon ngayong taon na sumisimbolo sa pangako ng kagawaran na maipamana sa bawat mag-aaral ang kalidad na edukasyon para sa lahat.