Ipinagmalaki ng DepEd o Department of Education na matagumpay ang unang linggo ng pagbubukas ng klase.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na bagamat may ilang paaralan na may kakulangan sa silid-aralan, tinutugunan naman ito ng kagawaran.
Idinagdag pa ni Mateo na mayroon pang itatayong paaralan na laan para sa mga estudyante sa elementarya at high school.
“Maganda naman, sa unang linggo mukha naman talagang preparado ang ating mga paaralan bagamat may mga mangilan-ngilan na paaralan na medyo may problema patungkol sa mga silid aralan, dahil ito po ay ongoing yung construction”, pahayag ni Mateo.
By Meann Tanbio | SerbIZ 882 Program (Interview)