Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na nilangaw ang K to 12 program na sinimulang ipatupad ngayong school year 2016-2017.
Ayon kay Asst. Secretary Tonisito Umali, Spokesman ng Department of Education, sa ngayon ay nasa 600,000 pa lamang ang naitala nilang enrollees sa senior high school dahil marami pa sa mga pribadong paaralan ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang listahan.
Nagpahayag ng pagasa si Umali na maaabot nila ang target na 1.5 million enrolees sa senior high school.
Bahagi ng pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali
Registration
Ang biglang bugso pa rin ng mga enrollees ang pangunahing naging problema ng Department of Education sa pagbubukas ng klase.
Aminado si Asst Secretary Tonisito Umali, Spokesman ng DepEd na bigo pa rin ang kampanya nila para sa maagang pagpaparehistro ng mga estudyante.
Gayunman, tiniyak ni Umali na magpapatuloy ang kanilang kampanya para baguhin ang tila naging kultura na ng mga Pilipino na mahilig maghabol ng deadline.
Bahagi ng pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali
Tiniyak rin ni Umali na nagpapatuloy ang Department of Education na resolbahin ang siksikan ng mga estudyante sa isang classroom.
Maliban anya sa mga mga ipinatatayong gusali para sa senior high school, marami pa ring mga classrooms ang ipinatatayo upang maabot ang tamang ratio ng estudyante sa bawat silid-aralan.
Bahagi ng pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali
By Len Aguirre | Ratsada Balita