Mariing pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro na magbibigay ng serbisyo sa halalan, bukas, na iwasan ang ano mang partisan activity.
Ayon kay Briones, masusing ipinagbabawal sa Philippine Election Code ang anumang pakikibahagi sa electioneering at iba pang partisan political activities ang sinuimang mga guro.
Giit ng kalihim na hindi dapat na ginagamit ng mga guro ang posisyon nila upang impluwensihan ang mga teaching at non-teaching personnel.
Dagdag ng DepEd, pumalo sa 531,307 ang mga opisyal, guro at personnel na makikibahagi sa mismong araw ng botohan bukas.