Kinalampag ng Commission on Audit ang Department of dahil sa mga naantalang construction ng school facilities sa malalayong lugar.
Batay sa 2023 COA audit report, 76 mula sa 98 mga pasilidad na nagkakahalaga ng 1.4 billion pesos ang hindi nakumpleto kahit bayad na ang mobilization fees nito.
Ayon sa COA, nakapaloob sa last mile schools program (LMSP) ang mga proyekto at pinondohan gamit ang DEPED budget noong 2021.
Sinimulan ang LMSP noong 2019, at layon nitong tugunan ang kakulangan sa mga paaralan sa geographically isolated and disadvantaged areas. – Sa panulat ni Laica cuevas