Kinansela ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong pagbili ng P4-milyong halaga ng ham at cheese para sa Christmas celebration ng central office ng ahensya.
Ang pahayag ay ginawa ni DepEd Public Affairs Director June Arvin Gudoy matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang kritisismo sa social media ang nasabing procurement plan.
Paliwanag naman ni Gudoy, ito’y maituturing na “inappropriate” o hindi naaangkop sa ganitong panahon na may umiiral na pandemya at sinalanta rin ng kalamidad ang maraming lugar sa Luzon.
Binigyang diin naman ni Teacher’s Dignity Coalition chairman Benjo Basas na sa naging pasya ng DepEd ay pinakikita lamang ng ahensya kung ano ang tunay nitong prayoridad at kung paano umano nilalabag nito ang sariling mga alituntunin.