Inanunsyo na ng Department of Education (DepEd) na sa Hunyo 13 na ang pagbubukas muli ng klase sa lahat ng public elementary at secondary schools para sa school year 2016-2017.
Pinaalalahanan naman ni Education Secretary Armin Luistro ang mga private school na maaari pa rin naman silang hindi sumabay sa class opening sa mga public school subalit dapat abisuhan nila ng maaga ang kanilang mga regional office.
Para sa mga pribadong paaralan, dapat anyang magsimula ang klase sa unang Lunes ng Hunyo at hindi aabot ng katapusan ng Agosto.
Ang school year 2016-2017 ay hudyat ng full implementation ng K to 12 program sa buong bansa partikular sa senior high school.
By Drew Nacino