Pinaplantsa na ni Education Secretary Leonor Briones ang maayos na transition o pag turn-over ng ahensya kay presumptive vice president Sara Duterte-Carpio.
Kasunod na rin ito nang pagtanggap ni Duterte sa pagtalaga sa kanya ni presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Tiniyak ni Briones ang kahandaan niya at buong DepEd na makipag tulungan sa team ni Duterte para sa maayos na transition ng liderato sa ahensya.
Kumbinsido naman aniya siyang nasa mabuting kamay ang DepEd sa ilalim ng pangunguna ni Duterte.