Kumpiyansa ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga enrollees para sa grade 11 ngayong school year 2016-2017.
Ito’y ayon sa DepEd ay dahil sa may isanlibo at animnaraang mga paaralan pa ang hindi nakapagsusumite ng kanilang report kaugnay sa enrollment para sa grade 11 o senior high school.
Ayon kay DepEd secretary Bro. Armin Luistro, nasa halos pitongdaang libo na ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan partikular sa mga deped funded schools gayundin sa mga state colleges and universities.
Habang aabot naman aniya sa mahigit tatlongdaan at labing pitong libo ang naka-enrollees ng grade 11 ang mga nasa pribadong paaralan
Muling nilinaw ni Luistro, maaari pa ring mag-enroll para sa grade 11 ang mga kabataang nagnanais pang humabol hanggang August 31 ng taong kasalukuyan.
By: Jaymark Dagala