Opisyal nang idineklara ni Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng klase ngayong araw na ito.
Sinabi ni Briones na nagpapasalamat siya sa mga tumulong para maisagawa ang pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ni Briones na hindi hahayaan ng DepEd na sirain ng COVID-19 ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan.
Kabilang sa pinasalamatan ni Briones ang mga guro na masigasig na tinapos sa tamang panahon ang modules at ipinamahagi sa mga mag-aaral.
Nagpasalamat din si Briones sa Pangulong Duterte at mga mambabatas sa buong suporta nito sa mga programang inilatag ng DepEd para maisulong ang pagbubukas ng klase.
Today, October 5, 2020, we open our schools. Today we claim victory over the destroyer —COVID-19. Let our classes begin!” ani Briones.