Magdedeploy ng karagdagang non-teaching personnel ang Department of Education (DepEd) na tutulong sa workload ng mga guro sa nalalapit na pagbubukas ng School Year 2022-2023, sa Agosto a-22.
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, iha-hire ang mga non-teaching personnel para matugunan ang problema ng mga guro sa kanilang break o pahinga.
Sinabi ni Poa na naiintindihan niya ang sentimyento ng mga guro lalo’t muling mag-aadjust ang paraan ng kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral matapos ang dalawang taong blended learning o ang technology and digital media classroom activities.
Layunin ng ahensya na makapag-focus na lamang sa pagtuturo ang mga guro sa pagbabalik ng normal na klase ng mga mag-aaral.