Planong sampahan ng criminal complaint ni Education Undersecretary Tonisito Umali ang nasa likod pekeng Facebook page ng taunang “Palarong Pambansa.”
Ayon kay Umali, walang katotohanan ang Facebook post ng kanyang larawan na may mensahe ng pang-iinsulto sa mga matabang guro at nilikha ang Palarong Pambansa para sa kanila upang pumayat.
Umapela naman ang opisyal sa publiko na huwag basta paniwalaan ang mga naglalabasang Facebook accounts, pages at posts kaugnay sa kanya maging sa kagawaran.
—-