Magkakaloob ng 30 araw na bakasyon ang Department of Education sa mga guro sa pagtatapos ng school year 2024-2025.
Batay sa DEPED Department order no. 9, series of 2025, papayagan ang mga guro na magkaroon ng 30-day ”uninterrupted and flexible” vacation mula April 16 hanggang June 1, 2025, na maaaring tuloy-tuloy o hati-hatiin hanggang sa makumpleto.
Kasama rin dito ang mga guro mula sa Alternative Learning System at Arabic Language and Islamic Values Education.
Binigyang diin naman ni Education Secretary Sonny Angara, na ang bakasyong ito ay isang ‘well-deserved opportunity’ para sa mga guro, maging sa mga mag-aaral upang makapag-relax matapos ang academic year.