Magpapatupad na rin ng Moratorium ang Department of Education sa pagsasagawa ng field trips.
Ipinabatid ito sa programang Balita Na Serbisyo Pa ng DWIZ ni Education Secretary Leonor Briones matapos pulungin ang Regional Directors at Superintendents na siyang nag rekomenda na ipatigil muna ang mga field trips sa mga pampublikog paaralan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sec. Briones sa DWIZ
Binigyang diin pa ni Briones na dapat ma review ang mga panuntunan sa pagdaraos ng field trips hindi lamang sa public sector kundi maging sa pribadong sektor.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sec. Briones sa DWIZ
By: Judith Larino