Magsasagawa ng maagang pagpaparehistro ang Department of Education o DepEd para sa pagbubukas ng school year 2018-2019.
Itinakda ng DepEd sa Enero 27 hanggang Pebrero 28 ang registration ng Kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng pambulikong paaralan ng elementarya at sekondarya.
Ayon sa DepEd, layon ng pagsasagawa ng maagang pagpaparehistro ay maabot ang inaasahang dami ng bilang ng mga estudyante sa darating na pasukan.
Bukod dito mas mapaghahandaan ng mabuti ng kagawaran ang mga posibleng kaharaping problema o isyu sa pagdating ng pasukan sa Hunyo.
Kaugnay nito, inaasahang magsasagawa ng aktibidad ang ilang tauhan ng mga paaralan tulad ng pagbabahay-bahay at pakikipagpulong sa lokal na pamahalaan upang maipabatid sa lahat lalo na sa mga magulang ang impormasyon.