Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education sa Department of Public Works and Highways upang tiyaking handa ang mga paaralan sa pagsisimula ng school year 2022–2023 sa Agosto 22.
Ayon kay DepEd Spokesperson, Atty. Michael Tan Poa, magkakaroon ng Inter-Agency Coordination alinsunod sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa SONA nito na dapat ng bumalik sa in-person classes.
Mayroon pa anyang ilang bagay na kailangang ilatag sa DPWH bilang paghahanda sa academic year.
Sa panig naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, tiniyak nitong makikipagtulungan sa national at local government, private sector at international stakeholders upang madagdagan ang investment sa edukasyon.
Magsisimula ang school year 2022-2023 sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 17 ng susunod na taon.