Makikipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa mga kinauukulang ahensya para tutukan ang usapin ng transportasyon.
Ito ayon kay Education Undersecretary Toni Umali ay sa gitna nang planong pagpapatupad ng 100% face to face classes sa Nobyembre.
Sinabi ni Umali na una nang nakipag-ugnayan ang kanilang Chief of Staff na si Undersecretary Epimaco Densing, III sa mga concerned agencies para sa isang pulong upang plantsahin ang transportation issue na makakaapekto sa mga estudyante at guro kapag nagsimula na ang face to face classes.
Una nang nanawagan ang ilang transport groups na ibalik ang orihinal na rutang itinakda sa Public Utility Jeepneys (PUJs) matapos ang anunsyo ng pagbabalik ng 100% in person classes.