Umapela ang Department of Education o DepEd sa Commission on Elections o COMELEC na huwag nang buwisan ang makukuhang bayad ng mga guro sa pagsisilbi sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dapat libre na sa withholding tax ang honoraria ng mga guro.
Kasabay nito ay hiniling din ng kalihim sa COMELEC na payagan ang pagtatalaga ng authorized disbursing officer na maaaring kumuha ng cash advance sakaling magkaroon ng emergency medical expenses sa mga gurong nagsilbi sa electoral boards.
Una rito, may apela na ring taasan ang honoraria ng mga guro lalo’t mano mano ang magiging eleksyong pambarangay at pang-sangguniang kabataan.
—-