Nagpa-alala ang Department of Education o DepEd sa lahat ng pampublikong paaralan na huwag tumanggap ng anomang donasyon mula sa mga tobacco company.
Batay sa inilabas na abiso ng DepEd kasabay ng 2018 Brigada Eskwela, ipinagbabawal sa lahat ng pampublikong paaralan ang pagtanggap ng regalo, donasyon at sponsorship na manggagaling direkta o kahit mula sa third party na may kinalaman sa industriya ng tobacco.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang hakbang na ito ay bilang pagpapakita nila ng suporta sa pagsusulong ng isang malusog na kapaligiran sa mga paaralan.
Binigyang diin ni Briones na ang polisiyang ito ay ipatutupad sa buong school year at hindi lamang sa kasagsagan ng Brigada Eskwela.