Nangangamba ang Department of Education (DepEd) sa pagtapyas ng halos P7-bilyong pondo para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan.
Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, dahil sa nasabing pagbawas ng pondo, may ilang mga pampublikong paaralan na ang hindi na matatayuan ng karagdagan pang mga classroom.
Dahil ditto, sinabi ni Sevilla na posibleng hindi na masunod ang tamang student-teacher ratio at bumalik sa double shifting ang ilang mga paaralan.