Muling dumipensa ang Department of Education (DepEd) hinggil sa P150 million na confidential funds na kinukwestiyon sa kanilang ahensya.
Ayon sa DepEd, pinahintulutan ang kanilang departamento na magkaroon ng confidential funds ang mga civilian offices kung saan, mayroon umano itong batayan alinsunod narin sa joint circular 2015-01 ng Department of Budget and management (DBM).
Matatandaang una nang dumipensa si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio, hinggil sa naturang isyu at iginiit na maaari itong gamitin bilang tugon sa karahasan, kabilang na ang sexual abuse, graft, corruption, illegal drugs, insurgency, terrorism, child labor, at iba pa.
Iginiit din ng DepEd, na dapat masolusyonan ang mga problema at masuportahan ang mga proyekto ng ahensya para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga tauhan maging ang mga mag-aaral.