Nilinaw ng Department of Education (DEpEd) na hindi sa loob ng mga paaralan nangyayari ang mga napaulat na panghahalay sa mga estudyante ng kanilang mga kapwa estudyante.
Ayon kay Undersecretary Jesus Umali, Spokesman ng Department of Education, ang insidente sa Bulacan ay nangyari matapos magkaya-yaang mag-inuman ang mga estudyante at kanilang di umano’y biktima.
Sinabi ni Umali inatasan na nila ang kanilang Division Office sa Bulacan na sumama sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya.
Una nang napaulat ang di umano’y paggahasa ng limang mag-aaral sa isang 12 anyos na estudyante sa Malabon City, ang di umano’y insidente ng panghahalay ng apat niyang ka-eskwela sa 11-anyos na dalagita sa Ajuy Iloilo at ang insidente sa Bulacan kung saan limang kaklase ang nanghalay sa Grade 10 student.
Dahil dito, umapela si Umali sa mga magulang at sa komunidad na mas maging vigilante sa maling kaugalian ng mga kabataan.
“Kailangan talaga natin ng tulong nga magulang at komunidad…”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DepEd Undersecretary Jess Mateo
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)