Naghahanda na ang department of education o deped para sa taunang programme for International Student Assessment (PISA).
Isinasagawa ito ng Organisation for Economic Co-Operation and Development (OECD), na sumusukat sa kakayahan ng kinse anyos na mag-aaral sa larangan ng matematika, agham at pagbasa.
Ayon kay education secretary leonor briones, bagama’t nakakuha ng mababang marka ang Pilipinas noong 2018 PISA, ilang paaralan sa baguio at pasig ang nakakuha ng mataas na puntos kapantay ng mga bansang nangunguna rito.
Umaasa naman si briones na sa kabila ng pandemya ay mas magiging maganda ang performance ngayon ng bansa.
Matatandaang nasa panghuling pwesto ang pilipinas noong 2018 PISA na unang beses pa lang na lumahok. -sa panulat ni Abby Malanday