Nagpalabas ng higit P1.4 na bilyong pondo ang Department of Education (DepEd) para pondohan ang mga malnourished na bata sa buong bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, matutugunan nito ang second tranche ng school based feeding program sa may halos 2 milyong mga estudyante sa public elementary schools.
Sa ilalim ng naturang programa ay papakainin ng masusustansyang pagkain ang mga estudyante sa loob ng 120 araw.
By Rianne Briones