Naglabas na ng bagong school calendar ang Department of Education (DepEd) para sa school year 2020-2021
Ayon sa DepEd, October 5 magsisimula ang klase at magtatapos sa June 16, 2021 samantalang itinakda naman ang Christmas break sa December 20 hanggang January 3, 2021.
Muling binigyang diin ni Education Secretary Leonor Briones na walang face-to- face learning ngayong pasukan para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Pinapayagan naman ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magsimula na ng kanilang klase kahit pa bago mag October 5 basta’t distance o online learning at hindi face to face classes.
Sinabi ni Briones na maaari pa ring ipa-enroll ng mga magilang ang kanilang mga anak sa mga paaralan na payag pang tumanggap ng late enrolees.
Sa ngayon ay nasa 23. 3 million na ang mga estudyanteng nakapagpatala para mag aral sa sistemang blended learning.