Itinatag ng Department of Education (DepEd) ang Bureau of Alternative Education (BAE) na tututok sa maayos na implementasyon ng Alternative Learning System (ALS) program para sa out-of school na mga Pilipino.
Layunin nito na palawigin ang sakop ng ALS sa mga Pinoy na may special cases kabilang ang mga indigenous people, persons deprived of liberty at may mga kapansanan.
Samantala, sinabi ng DepEd na malaki ang maitutulong ng nasabing hakbang sa mga naturang Pilipino. —sa panulat ni Airiam Sancho