Inilunsad na ng Department of Education (DepEd) kahapon ang bagong channel na magiging sumbungan ng mga mag-aaral na naging biktima ng sexual harassment at pang-abuso.
Bahagi ito ng programa ng DepEd upang mapalakas ang child protection sa mga paaralan.
Sa ilalim ng proyekto, maaaring magsumbong nang direkta ang mga biktima sa tanggapan mismo ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte.
Sa pamamagitan ito ng pag-e-email sa DepEd-abuse-report@gmail.com.
Maaari ring magreklamo sa tanggapan ni VP Duterte sa pamamagtian ng mga numerong 8633-1942, 8635-9817 at 0995-921-8461.