Nagpalabas ang Department of Education (DepED) ng regulasyon kaugnay sa paggamit ng mga pampublikong eskuwelahan bilang COVID-19 isolation facility.
Sa inilabas na memorandum ni Secretary Leonor Briones, inatasan niya ang mga opisyal ng paaralan na tumanggi na magamit ang mga eskuwelahan kasabay nang pagsasaayos ng mga pasilidad.
Sinabi ni Briones na kung gagamitin ang mga paaralan bilang isolation facility at may ikakasang konstruksyon, dalawa ang kailangang gawin;
Una, kailangan pakiusapan ang mga lokal na pamahalaan na ilipat ang COVID-19 patients sa ibang lugar o kung maaari naman ay ihiwalay ang ginagamit na pasilidad sa gusali o imprastraktura na gagawin o itatayo.
Inaasahan na sa ngayon ay maaring magsimula na ang mga paggawa sa mga eskuwelahan dahil na rin sa kinakailangan nang magamit ang nailaan na pondo.