Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga guro at personnel na naglingkod sa katatapos lamang na 2022 National at Local Elections.
Ayon sa kagawaran nakikipag-ugnayan na ito sa Commission on Elections (Comelec) para sa agarang pagpapalabas ng honoraria at iba pang allowance ng mga guro bago ang ika-24 ng Mayo.
Bukod pa rito ay ang limang araw na service credit o serbisyo para sa mga nagsilbi bilang mga miyembro ng electoral boards at DESO, at ang kani-kanilang support staff at mungkahi ng kagawaran na karagdagang 3,000 pesos sa buong board para sa nag-overtime na mga guro dahil sa mga isyu sa VCM at SD card.