Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko kaugnay sa outdated at unaccredited learning materials na ibinibenta online.
Pinayuhan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri sa mga link na naglalaman ng learning materials at modules mula umano sa DepEd at DepEd Commons dahil maaaring bukod sa hindi authorized ang mga ito kundi luma na rin.
Para matiyak na ang source maaring magtungo sa DepEd learning resource portal http://lrmds.deped.gov.ph/ at DepEd Commons http://www.commons.deped.gov.ph upang mai-download ng libre ang learning materials na otorisado at tiyak ng DepEd ang kalidad.
Uubra namang i-report sa action@deped/gov.ph ang mga hindi otorisadong pagbebenta o pamimigay ng learning materials sa mga paaralan.