DEPED nagpadala na ng mga tauhan para sa darating na eleksyon
Opisyal nang nagpadala ang Department of Education (DEPED) ang teaching and non-teaching personnel nito upang maging katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022 national and local elections sa Lunes.
Ayon kay DEPED Election Task Force (ETF) Head and Director IV for Procurement Management Service Atty. Marcelo Bragado nasa 647,812 ang itinalaga ng DEPED upang maging katuwang ng komisyon.
Habang 37,219 pampublikong paaralan naman ang nakatalagang gamiting polling center at 106,439 classrooms ang gagamitin bilang clustered precincts at kaparehong bilang ng mga classroom na gagamitin namang isolation polling places.
Kaugnay nito nagpaabot ng pasasalamat si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga opisyal at miyembro ng kagawaran sa sipag sa casting at canvassing ng mga boto gayundin sa patuloy na suporta ng iba pang pambansang ahensya para sa darating na halalan.