Suportado ng Department of Education (DepEd) ang target ng COMELEC na mabigyan ng budget ng Kongreso ang adjustments para sa honoraria at allowance ng mga pampublikong guro at poll workers na siyang mangangasiwa Eleksyon 2022 na gagawin sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng DepEd sinusuporatahan nito ang pagbibigay ng special risk allowance (SRA), pagkakaroon ng food at water allowance, health insurance, probisyong swab testing at iba pang serbisyong pangkalusugan sakaling tamaan ang mga ito ng COVID-19 sa panahon ng halalan.
Matatandaang tinalakay kahapon sa House Committee on Basic Education & Culture ang usapin naman sa panawagan ng mga guro na risk allowance at booster shots para sa pilot implementation ng face to face classes. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Airiam Sancho