Nagpapasaklolo pa ang DepEd o Department of Education para sa mga estudyante sa Marawi City na apektado ng patuloy na bakbakan dito.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, halos dalawampung libong (20,000) mag-aaral sa public schools sa kinder, elementary at high school sa Marawi ang nangangailangan ng tulong partikular ng tsinelas at sapatos.
Sinabi ni Briones na uubra ring mag-donate ng school kits at construction materials para muling maitayo ang mga paaralan na nasira ng kaguluhan.
Kaagad aniya silang magsasagawa ng Brigada Eskuwela sa lugar kapag natapos na ang kaharasan at clearing operations sa Marawi City.
Pitong (7) public schools sa Marawi ang tuluyang nasira dahil sa patuloy na sagupaan ng mga otoridad at Maute Group.
By Judith Estrada – Larino