Nagsasagawa ng survey ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021.
Sa facebook post ng DepEd, sinabi ng ahensiya na kanilang pinahahalagahan ang pagkakaroon ng konsultasyon at pakikibahagi ng mga stakeholders sa kanilang gagawing pagpapasiya.
Partikular na anila rito ang mga estudyante at mga magulang na direktang maapektuhan ng kanilang desisyon kaugnay ng pagbubukas ng klase.
Dagdag ng DepEd, layunin din ng kanilang survey ang mapabuti pa ang pagbibigay nila impormasyon hinggil sa kanilang mga ipatutupad na polisiya.
Maaaring masagutan ang survey form ng DepEd sa kanilang inilagay na link sa kanilang official facebook page.